PNP, tutulungan sa pag-a-apply sa protection program ang mga testigo sa shooting incident sa Tarlac

Tutulong ang Philippine National Police (PNP) na mailagay sa witness protection program ang mga nakasaksi sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac.

Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, hinihikayat niya ang mga imbestigador na i-apply ang mga testigo sa protection program, lalo na ang kumuha ng video na siyang nag-viral online.

Ang insidente ay nasaksihan ng ilang kaanak ng mga biktima, kabilang ang isang 12-anyos at 16-anyos.


Hihingi rin ang PNP kay Paniqui Mayor Max Roxas na magbigay ng professional assistance sa mga batang nakasaksi sa pamamaril.

Nangako rin ang Chief PNP na paiigtingin ang seguridad para sa pamilya ng mga biktima at ng suspek.

Ang pamilya Gregorio ay makakatanggap ng financial assistance mula sa PNP.

Facebook Comments