Ikinabahala ng Philippine National Police (PNP) ang biglaang pagdami ng sasakyan sa kalsada at pagdagsa ng mga tao sa mga iba’t-ibang establisyimento kasabay ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Pero ayon kay PNP Spokesperson, Brigadier General Bernard Banac, tiwala silang makakapag-adjust ang mga tao sa mga susunod na araw.
Naiintindihan nila dahil bago pa lamang ipinapatupad ang MECQ guidelines.
Mahalaga aniyang matuto at masanay ang publiko sa ‘New Normal.’
Sinabi ni Banac na marami silang natatanggap na ulat na maraming tao ang gumala sa mga mall at nag-overstay sa mga supermarkets at iba pang-shops sa kabila ng paalalang panatilihin ang physical distancing.
Una nang nagbabala ang mga health expert na posibleng magkaroon ng second wave ng Coronavirus infections kung ang basic health protocols laban sa sakit ay hindi nasusunod at naipapatupad.