Hangad ng Philippine National Police (PNP) na maputol na ang kakayahan ni Apollo Quiboloy na pagtaguan ang batas kasunod ng freeze order sa mga ari-arian nito.
Aminado si Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo na “challenge” ang resources na mayroon si Quiboloy para iwasan ang pag-aresto sa kaniya.
Maalalang, sa resolusyon ng Court of Appeals, pinayagan ang hirit ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa pag-freeze ng assets ni Quiboloy kung saan, ang naging basehan ay may kinalaman sa mga alegasyon ng ‘di umano’y panga-abuso nito pati na rin ang mga solicitations sa Amerika.
Apela ni Col. Fajardo kay Quiboloy na huwag gamitin ang kaniyang mga tagasuporta upang hindi siya mahuli.
Iginiit ni Fajardo na hindi ito laban ng PNP sa KOJC, bagkus ito’y implementasyon lamang ng legal order ng Korte sa isang partikular na tao at hindi laban sa isang organisasyon.