Umaasa ang Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang mababang insidente ng krimen sa pag-lift ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, kung magtutuloy-tuloy ang trend ng pagbaba ng krimen ay maaring mas ligtas na pamumuhay sa ilalim ng “the new normal” ang mararanasan pagkatapos ng ECQ sa Mayo a-15.
Ang pahayag ni Gamboa ay batay sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) kung saan nakapagtala ng 34.45% percent na pagbaba ng national Total Crime Volume sa panahon na umiiral ang ECQ.
Mula sa 58,705 kaso noong Pebrero a-1 hanggang Marso a-16, bumaba ito sa 38,484 na kaso lang nitong Marso a-17 hanggang Abril a-30 sa panahon ng ECQ.
Sinabi rin ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac na ang mga seryoso o tinatawag na index crimes, na kumakatawan sa 8.8 percent Total crime volume ay bumaba naman ng 60 percent.
Sinabi ni maaring dahilan ng pagbaba ng krimen ay dahil sa una pag-limita sa galaw ng tao sa ilalim ng ECQ pangalawa dahil sa “Stay at Home” quarantine protocol, pangatlo mas malawak na presensya ng mga pulis at force multipliers sa mga lansangan, pang-apat Liquor Ban, at pang lima ang mabilis na pagresponde ng Gobyerno sa paghahatid ng tulong sa COVID-19 crisis.