Kahit tinalikuran na ng Simbahang Katoliko, hinikayat pa rin ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang mga pari na ibigay ang buong suporta at tiwala sa kanila.
Sinabi ito ni Dela Rosa kasabay ng paglulunsad ng oplan tokhang 2: Project Double Barrel Reloaded at ng mga lumabas na negatibong pahayag ng ilang lider ng simbahan.
Patuloy din aniya siyang makikipag-ugnayan sa Catholic Bishops’ Conference Of The Philippines.
Maliban dito ay plano rin ni Dela Rosa na makipag-pulong sa CBCP para sa posibleng koordinasyon sa pagitan ng simbahan at PNP.
Samantala, umaasa naman si Dela Rosa na magpapatuloy din ang suportang ibinibigay ng Local Government Units sa kanila.
Aniya, malaking bagay para sa kanilang hanay ang ibinibigay na suporta ng LGUs para mapagtagumpayan nila ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga at kriminalidad.