Apela ngayong Labor Day ng Philippine National Police (PNP) sa mga raliyista na huwag silang ituring na kaaway.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac na sana huwag lumagpas sa kanilang limitasyon ang mga raliyista.
Nilinaw niya rin na hindi nila layunin na buwagin ang kilos protesta at ang tanging mandato lamang nila ay tiyakin ang pangkalahatang kapanakanan ng publiko.
Karapatan aniya ng grupo ng mga manggagawa na maghayag ng kanilang saloobin sa ilang labor issues pero hindi ito dahilan para pagmulan sila ng mga kaguluhan.
Pero alam rin daw ng PNP na may ilang grupo na intensyon talaga na manakit at manggulo, ngunit napaalalahan naman ang mga magbabantay ng seguridad na huwag labanan at patulan ang mga ito.
Mahigpit ang bilin sa mga pulis pairalin ang maximum tolerance.
Sa ngayon tinututukan ng PNP ang pagbabantay sa sa ilang lugar sa Metro Manila katulad ng Mendiola, Chino Roces Bridge, US embassy, Liwasang Bonifacio at Welcome Rotonda.