PNP unit kung saan muli itatalaga ang grupo ni Supt. Marcos, pinag-aaralan na nang PNP

Manila, Philippines – Naghihintay ngayon ang pamunuan ng PNP Directorate for Personnel Records and Management o DPRM sa rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service kung saan muli itatalaga ang grupo nina Supt. Marvin Marcos.

Ito ay matapos na ihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nyang ma reinstate o maibalik sa pwesto ang grupo nina Supt. Marcos.

Ayon kay DPRM head director Rene Aspera ipapatupad lamang nila ang magiging direktiba ng PNP IAS.


Pero sa ngayon maarin na raw maibalik sa pwesto sina Marcos dahil wala pa naman daw finality ang criminal case ng mga ito at nasa hurisdiksyon pa sila ng PNP.

Sa PNP region 8 pa rin daw maitatalaga ang mga ito dahil under sila ng restrictive custody ng region 8.

Pero hindi nya pa matukoy kung anong unit sa PNP region 8 ia-assign ang grupo ni Marcos.

Sa ngayon maghihintay sila ng order ng PNP-IAS para sa status ni Supt. Marcos at labing siyam na pulis na kasama ng mga ito.

Facebook Comments