Mabilis na tumugon ang mga tauhan ng Urbiztondo Police Station matapos humingi ng saklolo ang pamilya ng isang ginang na hirap sa paghinga bandang alas-6:40 ng gabi kahapon.
Ayon sa ulat, agad na nagtungo sa lugar ang mga pulis upang magbigay ng tulong. Nang makita ang kalagayan ng ginang, agad itong binuhat upang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan.
Bago pa man tuluyang maihatid sa ospital, agad ding nakipag-ugnayan ang mga pulis sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) upang matiyak ang maagap na pagresponde at makapagbigay ng agarang tulong medikal.
Ipinakita ng Urbiztondo PNP ang kanilang tunay na malasakit at dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng mabilis na aksyon at pagtulong sa oras na kailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









