Nanatili ang desisyon ng Philippine National Police na hindi na kailangan pang palawigin ang martial law sa Mindanao.
Ito ay kahit may sunod sunod na pagsabog sa Cotabato City at Maguindanao kagabi.
Ayon kay PNP Officer-in-charge Lieutenant General Archie Gamboa nanatiling ligtas sa Mindanao sa kabila ng mga pagsabog.
Aniya nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang grupong responsable sa pagpapasabog.
Habang tiniyak na may ginagawa silang security adjustment para mapigilan ang plano pang pagpapasabog.
Samantala ang Armed Forces of the Philippines sinabing posibleng kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF ang pagsabog.
Pero ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen Edgard Arevalo patuloy ang ginagawang imbestigasyon para makumpirma ito batay na rin sa bombang pinasabog.
Sa magkakasunod na pagsabog 27 katao ang sugatan.