PNP, wala pa ring nakikitang ‘proof of life’ sa dinukot na American national sa Zamboanga del Norte

Malabo pa rin ang “proof of life” sa paghahanap ng mga awtoridad sa dinukot na American vlogger na si Elliot Eastman sa Zamboang del Norte.

Sa impormasyon mula kay Police Regional Office 9 Spokesperson Police LtCol Helen Galvez sa ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan si Eastman.

Gayunman, patuloy ang kanilang pakipagtutulungan sa mga residente at iba pang maaring makapagbigay ng impormasyon para matunton ang dinukot na Amerkano.


Matatandaang hawak na ng Pambansang Pulisya ang tatlong indibidwal na may direktang kinalaman sa pagdukot kay Eastman.

Habang nasawi naman sa engkwentro kahapon ang tatlong Persons of Interest sa kaso na pawang mga kasapi ng Kidnap for Ransom group.

Facebook Comments