PNP, wala pang kumpirmasyon na patay na ang mag-asawang Tiamzon

Hindi pa makumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang impormasyon na patay na ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na kapwa opisyal ng teroristang grupong CPP-NPA.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hinihintay pa nila ang ulat ng Crime Laboratory kaugnay ng DNA testing sa mga narekober na labi sa encounter site.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP chief, matapos na maglabas ng pahayag ang tagapagsalita ng Communist Party of the Philippines na si Marco Valbuena na umano’y hinuli, pinatay at tinorture umano ng militar ang dalawang mataas na lider komunista noong Agosto 21, 2022.


Ayon kay Valbuena, base sa kanilang imbestigasyon, pinahirapan at pinatay ng militar ang mag-asawa at inilagay ang mga bangkay sa isang bangka na kanilang pinasabog sa karagatan ng Catbalogan Samar kung saan pinalabas na nangyari ito sa engkwentro noong Agosto 22, 2022.

Ani Azurin, ipinaubaya na nya sa PNP forensics experts ang pagsasagawa ng DNA testing sa mga labi na narekober sa pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments