PNP, wala pang natatanggap na request mula sa Senado para sa police assistance sa pag-aresto kay Pastor Quiboloy

Wala pang official request mula sa Senado para sa pagbibigay ng security assistance sa pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Founder at Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police Public Information Office Chief Pcol. Jean Fajardo kasunod ng paglalabas ng Senado ng arrest order laban kay Quiboloy.

Ani Fajardo base sa kanyang pakikipag-ugnayan sa PNP Legislative Affairs Center wala pang ipinadadalang request ang Senado para sa nasabing police assistance.


Magkagayunaman, magiging limitado lamang amiya sa pagbibigay ng seguridad ang magiging papel ng Pambansang Pulisya dahil mayruon namang Office of Sgt. at Arms ang Mataas na Kapulungan na syang magpapatupad ng naturang pag-aresto kay Quiboloy.

Si Quiboloy ay ipinadadakip na ng Senado dahil sa makailang beses na pag-isnab sa kanilang isinasagawang pagdinig kung saan iniimbestigahan ng komite ang pastor laban sa mga reklamo ng human trafficking, panghahalay, sexual abuse at iba pang pang-aabuso sa mga kabataan at kababaihan na myembro ng KOJC.

Facebook Comments