PNP, walang binigay na deadline sa paghahain ng reklamo vs mga nagkanlong kay Quiboloy

Walang ibinigay na deadline ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasampa ng kaso laban sa mga nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ o KOJC founder Apollo Quiboloy at apat pang kapwa akusado nito.

Paliwanag ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ayaw nilang madaliin ang paghahain ng kaso dahil gusto nilang maging matibay ito.

Hindi lang kasi aniya probable cause ang hinahanap ng PNP kundi ‘reasonable certainty of conviction’ sa mga indibidwal na sangkot sa pagtatago kay Quiboloy.


Nauna nang sinabi ng PNP na kasong obstruction of justice ang kahaharapin ng mga nagkanlong kay Quiboloy.

Kabilang na rito ang ilang KOJC officials at legal representatives ni Quiboloy.

Facebook Comments