PNP walang makuhang CCTV footage sa pagpaslang kay Atty. Fredrick Anthony Santos ng BuCor

55

Walang mahanap na CCTV footage ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lugar sa Muntinlupa City kung saan pinaslang si Atty. Fredrick Anthony Santos ng Bureau of Correction (BuCor).

Ito ang inihayag ni NCRPO Director Major General Debold Sinas.


Aniya, mga sira ang mga CCTV sa lugar nang pinangyarihan ng krimen.

Hindi rin daw nakunan ng dashcam ng sasakyan ni Santos ang mga suspek dahil sa gilid o sa driver side dumaan ang mga ito nang sya ay pagbabarilin.

Pero bumuo na ng Special Investigation Task Group ang NCRPO para matutukan ang pagiimbestiga sa pamamaslang.

Nakipagugnayan na rin daw ang NCRPO sa BuCor at ang isyu sa Good Conduct Time Allowance o GCTA ang tinitingnan nilang motibo sa pagpatay sa abogado.

Si Atty. Santos ay ang suspendidong BuCor Legal Chief na humaral noon sa pagdinig ng Senado kaugnay sa GCTA for Sale.

Facebook Comments