Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay ito sa datos ng PNP Health Service ngayong Lunes, Disyembre 27, 2021, kung saan 42,248 ang total confirmed cases ng Coronavirus.
Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP na ang dahilan ng pagbaba ng COVID cases sa kanilang hanay ay dahil sa pagiging epektibo bakuna kontra COVID-19.
Kaugnay nito, nakapagtala naman ng dalawang new recoveries ngayong araw kaya’t umabot na sa 42,112 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Nananatili naman sa 125 ang bilang ng mga binawian ng buhay.
Habang bumaba sa 11 ang aktibong kaso ng COVID-19.
Samantala, umabot na sa 214,958 Police personnel o 95.07 percent ang fully vaccinated o nakumpleto na ang bakuna laban sa virus.
Facebook Comments