Sa kauna-unahang pagkakataon walang naitalang bagong kaso ng nagkaroon ng COVID 19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa tala ng PNP Health Service, zero case sila kahapon habang 9 naman ang bilang ng mga bagong gumaling.
Dahil dito, bumaba na sa 45 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP.
Mula ito sa mahigit 3,000 aktibong kaso nito lang Setyembre.
Mula nang magsimula ang pandemya, 42,198 na tauhan ng PNP kung saan 125 ang nasawi.
Matatandaang una nang inihayag ng pamunuan ng PNP na ang 99% vaccination rate ng kanilang mga tauhan ay malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.
Facebook Comments