Hindi nakapagtala ang PNP Anti Kidnapping Group (AKG) ng “election related kidnapping incidents” sa buong panahon ng halalan.
Iniulat ito ni PNP-AKG Director PBGen. Rudolph Dimas, kasabay ng pahayag na karamihan sa mga kidnapping cases na naitala sa taong ito hanggang May 10 ay may kaugnayan sa mga casino at Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Aniya walang ebidensya na ang mga casino at POGO kidnappings na naganap ay para pondohan ang mga campaign activities.
Paliwanag ng opisyal, ang mga kidnapping ng POGO workers ay “work related” tulad ng illegal recruitment, at “pagbebenta” ng POGO workers sa pagitan ng mga employers; habang ang mga casino kidnappings naman ay may kinalaman sa pagkakautang.
Samantala, inihayag ni Dimas na sa mga focused manhunt operations na inilunsad ng AKG sa panahaon ng eleksyon, nahuli nila ang 101 wanted persons at na-neuralized ang 3 kidnaper.