Hindi nakapagtaka ang Philippine National Police (PNP) ng insidente ng karahasan laban sa mga miyembro ng media sa araw ng Halalan.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na siya ring Chief ng Media Security Vanguards na itinatag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Aniya mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga mamahayag lalu na sa panahon ng eleksyon bilang pagtataguyod ng Press Freedom.
Ang mga Media Security Vanguards ay kinabibilangan ng mga Public Information Officer ng PNP sa Regional, Provincial at local level na direktang tutugon sa mga security concerns ng mga mamahayag.
Nagpasalamat naman si PTFoMS Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco sa PNP sa kanilang malaking kontribusyon sa mapayapang pagdaraos ng Halalan at pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamahayag.
Ayon kay Egco, patunay ito ng pagsisikap ng pamahalaan na lumikha ng “safe environment” sa mga mamahayag para magampanan ang kanilang trabaho.