PNP, walang naitatalang untoward incident kasabay nang malawakang tigil-pasada ngayong araw

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang nagpapatuloy na tigil-pasada ng ilang transport groups.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo walang naitatalang untoward incident ang kapulisan.

Base aniya sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa PNP headquarters, nasa humigit kumulang 520 mga tsuper ang nakikiisa sa tigil-pasada sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.


Sinabi pa ni Fajardo na hindi naman nagtagumpay ang mga ito na paralisahin ang transportasyon ngayong araw dahil marami namang nag-aalok ng libreng sakay at marami rin ang paaralan ang hindi nagsagawa ng face-to-face classes.

Aniya ni Fajardo, mayroon silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga maaabalang motorista at mananakay.

Ang naturang tigil-pasada ng grupong PISTON ay para tutulan ang itinakdang deadline para sa franchise consolidation application ng mga Public Utility Vehicle (PUV) sa Disyembre 31.

Facebook Comments