PNP, walang naitatalang untoward incident kasabay ng tigil-pasada ngayong araw

Nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa kalakhang Maynila sa kabila nang nagpapatuloy na tigil-pasada ng grupong MANIBELA.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, walang naitatalang untoward incident ang kapulisan.

Base aniya sa report ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa PNP headquarters, 11 lugar sa Metro Manila ang pinagdarausan ng welga kung saan dalawa dito o sa Pasig at Sta. Mesa ay nagtapos na.


Ani Fajardo, mayroon silang sapat na mobility assets na ipinakalat para sa libreng-sakay katuwang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang naturang tigil-pasada ng grupong MANIBELA ay para tutulang mapalawig ang consolidation ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program sa Disyembre 31.

Facebook Comments