
Walang nakikitang dahilan ang Philippine National Police (PNP) para i-review ang traffic protocols kasunod ng pagkasawi ng estudyanteng tumalon sa Fernando Poe Jr. Station LRT1.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, na walang nakikita ang PNP para bigyang rebisyon ang Article 365 ng Revised Penal Code.
Taliwas naman ito sa naging pahayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagrerepaso ng nasabing traffic procedures para maiwasan ang “absurd results”.
Samantala, inabswelto na rin ng PNP ang pamunuan ng LRT-1 dahil malinaw na nakita sa CCTV na tumalon ang nasabing biktima.
Facebook Comments










