Walang banta sa isasagawang Special Elections sa 12 barangay sa Tubaran, Lanao del Sur sa Mayo 24.
Ito ay batay sa monitoring na ginagawa ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi na nila inaasaha na magkakaroon ng problema sa pagdaraos ng Special election dahil 800 tauhan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang itatalaga lugar para magpatupad ng seguridad.
Nasa 8000 aniya ang inaasahang boboto sa Special elections sa 12 barangay sa Tubaran, Lanao del Sur.
Naghihintay din lang aniya ng abiso ang PNP mula sa Commission on Elections (COMELEC) kung kailan naman isasagawa ang Special election sa tig-isa pang barangay sa Binidayan, Butig, Lanao del Sur.
Una nang inihayag ni PNP Director for Operations PMgen. Valeriano de Leon na mga pulis ang magsisilbing Special board of election Inspectors sa mga pagdarausan ng Special election.