PNP, walang namo-monitor sa seryosong banta sa SONA

 

Walang namo-monitor na seryosong banta ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 22.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sa kabila nito ay hindi pa rin sila magpapakampante.

Sa katunayan sapat na bilang ng mga pulis ang kanilang ipapakalat at nakahandang magdagdag kung kinakailangan.


Sinabi pa ni Marbil na ang posibleng epekto lang sa trapiko ang pag -aaralan ng mga awtoridad upang hindi mahirapan ang mga mananakay.

Magtatakda rin aniya ng mga designated area para sa mga raliyista para doon sila maglabas ng kanilang mga hinaing sa gobyerno.

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng pamahalaan sa iba’t ibang militanteng grupo para walang misinformation pagdating sa mga inaasahang kilos-protesta.

Facebook Comments