PNP, walang namomonitor na direct threat para sa Undas

Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay walang namomonitor ang Philipine National Police na banta sa seguridad para sa Undas.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa hindi nagpapabaya ang kanilang hanay sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko laban sa mga grupong posibleng manamantala sa okasyon.

Dito sa Metro Manila, iniutos na raw ni PNP Chief sa National Capital Region Police Office ang pagiging doble alerto habang kahapon ay itinaas na sa full alert status ang lahat ng PNP regional offices kung saan isang daang porsyento ng mga pulis ay idedeploy para magsagawa ng checkpoint, magbantay sa mga sementeryo at iba pang matataong lugar ngayong Undas.


Payo naman ni Dela Rosa sa publiko na maging mapagmatyag upang hindi makalusot ang mga nagbabanta ng gulo.

Facebook Comments