PNP, walang namomonitor na posibleng pananabotahe sa mga kilos protesta bukas

Manila, Philippines – Walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police kaugnay sa inaasahang kilos protesta, bukas Sept. 21 kasabay ng ika 45 anibersaryo ng martial law.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt. Dionardo Carlos, nailatag na ng NCRPO at Manila Police District ang lahat ng seguridad.

Ito ay para matiyak na magiging ligtas at maayos ang mga activities na isasagawa ng ibat ibang grupo.


Sinabi pa ni Carlos na nanatiling naka full alert ang PNP para masigurong walang mananabotahe sa anumang okasyon sa buong bansa.

Umapela naman ang opisyal sa mga militanteng grupo na bantayan ang kanilang hanay upang hindi malusutan ng mga masasamang loob na may masamang balak sa kilos protesta.

Maliban sa seguridad, tutukan din daw ng PNP ang pagsasaayos ng trapiko sa mga lugar na gagawin ang mga kilos protesta.

Facebook Comments