PNP, walang namomonitor ng terror threat sa Mindanao

Manila, Philippines – Walang namomonitor na anumang terror threat ang Philippine National Police.

Ito ay kahit na nagbigay ng pahayag ang Pangulong Rodrigo Duterte na may banta ng terorismo sa ilang lugar sa Mindanao.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, sakaling may mamonitor ang PNP na may banta ng terorismo saan mang panig ng bansa ay agad nila itong i-aanunsyo sa publiko.


Ito ay upang agad na makasagawa ng precautionary measures.

Sa ngayon, batay sa kanilang intelligence monitoring walang silang natatangap na ulat na may mga lugar sa Mindanao na may banta ng terorismo.

Facebook Comments