Walang natatanggap ang Philippine National Police (PNP) na seryosong banta hinggil sa kapistahan ng itim ng Nazareno.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sa ngayon walang natatanggap na credible at serious threat ang PNP sa Traslacion 2024.
Pero ani Fajardo, hindi sila magpapakampante at pinaghahandaan ang worst case scenario.
Sa ngayon, wala pa aniyang pinal na desisyon kung magpapatupad ang pulisya ng signal jamming at no fly and no drone zone sa Traslacion.
Tuloy-tuloy rin aniya ang isinasagawang clearing operations sa bisinidad ng Quiapo church na dadagsain ng milyon-milyong deboto.
Sinabi pa ni Fajardo na magpapakalat ng 15,000 na mga pulis sa pista ng itim na Nazareno.
Inaasahang papalo sa 2 milyong deboto ang lalahok sa Black Nazarene feast sa darating na January 9.