Mas papalakasin pa ng Philippine National Police ang kanilang intelligence information gathering matapos na kumpirmahin ng PNP at Armed Forces of the Philippines na suicide bombing ang nangyaring pagsabog sa Indanan Sulu at kumpirmadong pinoy ang bomber.
Pero inamin ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na walang pondo ang PNP para bumili ng mga surveillance equipment.
Aniya matagal na nilang paulit ulit na hiling ang pondo para sa pagbili ng mga surveillance equipment pero napupulitika ito kaya hindi maaprobahan ang kanilang proposal.
Kaya itinigil na nila ang paghihiling nito.
Sinabi ni Albayalde na ang sinasabing dahilan ng hindi pagbibigay ng pondo ay dahil mahal daw ang presyo ng mga surveillance equipment.
Pero para kaya Albayalde napapanahon na ang pag iinvest ng gobyerno sa Intelligence equipment dahil sa nangyayari nang suicide bombing sa Mindanao.
Sa ngayon aniya maraming surveilance equipment ang kanilang kakailangan para mapigilan ang mga plano pang suicide bombing sa Mindanao.