PNP Women and Children Protection Center, wala pang naitatalang child exploitation gamit ang AI

Wala pang naitatalang kaso hinggil sa child exploitation gamit ang artificial intelligence (AI) ang Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

Ayon kay PNP-WCPC Chief BGEN. Portia Manalad, kahit wala pa silang naitatalang kaso, pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang international agencies.

Nauna nang sinabi ng Council for the Welfare of Children na binabantayan nila ngayon ang paggamit ng AI sa child exploitation.


Bagama’t wala pang naire-report na ganitong kaso sa Pilipinas kalat na aniya ang naturang modus sa ibang mga bansa.

Facebook Comments