PNPA Class of 2024 at kanilang training staff, isasailalim sa COVID-19 test matapos na magkasunod na nasawi ang dalawang PNPA Cadet

42

Isasailaim sa COVID-19 Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga kadete na kabilang sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 2024 at kanilang mga training staff.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa matapos na magkasunod na namatay ang dalawang kadete ng PNPA Class of 2024 nang nakalipas na linggo.


Ayon kay Gamboa, may posibilidad na COVID-19 patient ang dalawang namatay na kadete at dahil magkakasama ang mga kadete at training staff na aabot sa 350 indibdiwal sa iisang lugar kaya mahalaga na maisailaim ang lahat sa COVID-19 RT-PCR test.

Sa ngayon, sinuspinde muna ang training ng mga kadete habang nakatakda rin na makipag-pulong si PNP Chief sa mga opisyal ng National Police Training Institute para mapag-usapan ang mga ipinatutupad na health protocols at recruitment sa PNPA.

Ang dalawang PNPA cadet na magkasunod na namatay nang nakalipas na linggo ay sina Cadet 4th Class Kenneth Ross Alvarado at Cadet 4th Class Jiary Jasen Papa na parehong nag-collapse at dead on arrival sa ospital.

Facebook Comments