PNPA Hinirang Class of 2021, magtatapos ngayong araw

254 na mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) Hinirang Class of 2021 ang magtatapos ngayon araw.

Nitong Lunes ay iprinisinta ni PNPA Director PMGen. Rhoderick Armamento kay PNP Chief PGen. Debold Sinas ang top 10 cadets ng graduating class sa Camp Crame.

Pinangungunahan ito ni F/CDT Kenneth John Espallagar Etucas, ng Tinagacan General Santos na siyang class valedictorian.


Pinuri naman ni General Sinas ang mga topnotcher na kadete at sinabing pambihirang pagkakataon dahil sa panahon niya bilang PNP Chief ay nagtapos ang PNPA Hinirang Class of 2021 dahil kapangalan nito ang kanyang kinaanibang PMA “Hinirang” Class of 1987.

Aniya, isang milestone ang pagtatapos ng mga kadete dahil sila ang kauna-unahang batch na tinapos ang kanilang huling taon sa akademiya sa pamamagitan ng blended learning dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon naman kay Armamento, para hindi maapektuhan ang pag-aaral at pagsasanay ng mga kadete ay nagpatupad din sila ng mga nararapat na hakbang gaya ng mga ipinatupad ng ibang mga kolehiyo at unibersidad para makasunod sa health protocols.

Facebook Comments