PNPA, kumpiyansa sa 5-man committee na sasala sa courtesy resignations ng 3rd level officials ng PNP

Tiwala ang pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa binuong 5-man committee na sIyang sasala sa mga courtesy resignations ng mga 3rd level officials ng PNP.

Sa statement na pinadala ng PNPA sa Kampo Krame, sinabi ng mga 3rd level officers ng PNPA sa pangunguna ni PNPA Superintendent Police Maj. General Eric Noble na suportado nila ang panawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr., at ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na pagtiwalaan ang proseso sa paglilinis ng hanay ng PNP.

Ayon pa kay Gen. Noble, bilang premier police higher education institution ang PNPA, palagi nilang itataguyod ang Core Values of Justice, Integrity and Service.


Una nang tiniyak ni PNP Chief Azurin na ang mga irerekomenda ng kumite na tanggapin ang courtesy resignation ay dadaan pa muna sa beripikasyon ng National Police Commission bago ipasa sa pangulo ang listahan para sa pinal na desisyon.

Sa ngayon, umaabot na sa 98.42% o 936 na mga koronel at heneral ang naghain na ng kanilang courtesy resignation kung saan 18 na lamang mula sa kabuuang bilang na 954 na mga 3rd level officers ang hindi pa nakakapaghain ng kanilang courtesy resignation.

Facebook Comments