Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga nagsitapos ng Philippine National Police Academy’s (PNPA) Masidtalak Class of 2023 na magsilbi sa bayan na may mataaas na moral integrity.
Ginawa ng pangulo ang paghikayat sa kanyang talumpati sa ika-44 na commencement exercise sa PNPA kahapon sa Silang Cavite.
Ayon sa presidente, bilang peacekeeping force ng bansa dapat aniyang may mataas na moral at committed sa mandatong protektahan at idepensa ang karapatan ng bawat Pilipino.
Ito ay sa harap na rin aniya ng kinakaharap na hamon ng PNP organization.
Dapat din aniyang maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP bilang mga protektor at defender para sa Pilipinas na kapayapaan maayos at may umiiral na karapatang pantao.
Kaugnay nito nagpasalamat ang pangulo sa mga magulang at mga kamag-anak ng mga nagtapos na kadete sa kanikang suporta at pagtitiis para makumpleto ang cadetship program ng PNPA.