PNPA, naitala ang record breaking na bilang ng mga aplikante sa cadet admission test

Courtesy: Philippine National Police

Umaabot sa 77,410 aplikasyon ang natanggap ng Philippine National Police Academy (PNPA) para sa PNPA Cadet Admission Test (PNPACAT) ngayong taon.

Ayon kay PLt. Col. Louie Gonzaga, tagapagsalita ng PNPA, ito ang pinakamalaking bilang ng mga aplikante sa kasaysayan ng PNPACAT.

Mahigit doble ito sa dating record na 33,085 aplikante noong 2021.


Ang pagiging aktibo ng PNPA at PNP sa social media sa panghihikayat ng mga kabataan na pumasok sa serbisyo ang isa sa nakikitang dahilan kung bakit lumobo ang bilang ng mga aplikante ngayong taon.

Nakatulong din ang mas madaling proseso ng aplikasyon dahil online na ito.

Inaasahan ng PNPA na madadagdagan pa ang bilang ng mga aplikante dahil bukas pa ang aplikasyon hanggang Hulyo 30.

Facebook Comments