PNR, nakikipag-ugnayan na sa LTFRB para sa mga ruta na apektado ng kanilang tigil-operasyon

Nakikipag-usap na ang Philippine National Railways (PNR) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB para sa mga ruta na maaapektuhan ng kanilang pansamantalang tigil-operasyon.

Ayon kay PNR General Manager Jeremy Regino, pinag-uusapan sa pulong ang mga magiging alternatibong sakayan ng mga apektadong pasahero.

Kabilang dito ang posibleng pagbubukas ng bagong special bus lanes at jeepney routes ng LTFRB.


Kinokonsulta na rin nila ang mga Local Government Unit (LGU) para sa binubuong mga plano.

Layon ng pansamantalang pagsasara ng operasyon ng PNR na para mapabilis ang pagsasagawa ng North-South Commuter Railways.

Facebook Comments