PO3 Federico Macaya, aminadong natatakot na baka balikan ng mag-amang Garin

Aminado si PO3 Federico Macaya Jr. na may konting takot siyang nararamdaman sakaling makabalik sa kanyang tungkulin sa Guimbal, Iloilo.

Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Macaya na nag-aalala siya na baka balikan siya ng mag-amang Garin at madamay ang kanyang pamilya.

Kasunod na rin ito ng paghahain niya ng patong-patong na kasong kriminal at administratibo laban sa mag-ama matapos ang inabot niyang panggugulpi sa mga ito.


Kasabay nito, pinasalamatan ni Macaya ang ibinibigay na suporta sa kanya ng buong organisasyon ng PNP at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa isang panayam sinabi ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana Jr. Na kaya nilang patawarin ang mag-amang Garin pero hindi nila makakalimutan ang insidente.

Hinding-hindi rin daw nila bibilhin ang mababaw na alibi o palusot ng mga Garin at titiyaking mapapanagot sa batas ang mga ito.

Facebook Comments