Poblacion Girl, kakasuhan din ng Makati LGU

Bukod sa kasong isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa Returning Overseas Filipino (ROF) na si Gwyneth Chua matapos itong lumabag sa quarantine protocol ay kakasuhan din ito ng Makati Local Government Unit (LGU).

Inihahanda na ng Makati City Legal Department ang kasong isasampa nito laban kay Chua dahil sa anila’y paglabag nito sa ordinansa ng lungsod.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng Makati LGU ang Berjaya Hotel na ilipat na sa ibang quarantine hotel ang mga natitira pa nilang bisita.


Ito ay matapos na ipasara ng Makati City Government ang nasabing hotel.

Una nang sinampahan ng CIDG-National Capital Region ang tinaguriang Poblacion Girl ng kasong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act sa Makati Prosecutor’s Office.

Bukod sa tinaguriang “Poblacion Girl”, kinasuhan din ang mga magulang nito na sina Allan Chua at Gemma Chua, nobyong si Rico Atienza at limang staff ng Berjaya Hotel.

Facebook Comments