‘Poblacion girl’ na si Gwyneth Chua, no-show sa preliminary investigation ng Makati Prosecutors Office

Hindi nagpakita si Gwyneth Chua o mas kilalang Poblacion girl sa preliminary investigation hearing kahapon ng Makati Presecutors Office kaugnay sa kasong isinampa sa kanya sa paglabag ng quarantine protcols.

Matatandaang hindi sumailalim si Chua sa quarantine sa Berjaya Hotel sa Makati matapos bumalik sa bansa galing amerika dahilan para dumiretso ito sa isang bar sa lungsod noong Disymebre.

Tanging ang abogado ng pamilya Chua ang dumalo sa hearing kasama ang mga abogado ng hotel at ng boyfriend ni chua na si Rico Atienza.


Nakatakda naman ang susunod na hearing sa Pebrero 14, Valentines day.

Si Chua at walong iba pa ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act.

Facebook Comments