Poblacion Kalibo Brgy. Hall, isasara ng isang linggo matapos mag-positibo sa COVID-19 ang isang tanod

40

Pansamantala munang isasara ng isang linggo ang Brgy. Poblacion Kalibo barangay hall matapos mag-positibo sa COVID- 19 ang isang tanod.

Ayon kay Brgy. Kagawad Mark Sy, isasailalim sa disinfection at sanitation measures ang nasabing lugar kung saan hindi muna tatanggap ng transaksyon ang brgy. sa loob ng isang linggo base na rin sa utos ni Brgy. Kapitan Niel Candelario.

Sumasailalim na rin ang mga staff at mga opisyal sa quarantine bilang bahagi ng protocol.

Dahil walang mass testing sa lugar naniniwala naman ang ilang opisyal na maraming asymptomatic o walang sintomas ng nasabing sakit ang hindi natutukoy at patuloy na lumalabas at nakikisalamuha sa publiko.

Facebook Comments