Ipatutupad na sa ilalim ng ‘Hatid Tulong’ Program ang “pocket send-off” approach sa mga susunod na batch ng Locally Stranded Individuals (LSIs) para maiwasan ang overcrowding.
Ayon kay Program Lead Convenor at Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, sa bagong paraan na ito ay lilimitahan ang bilang ng LSI na ihahatid sa probinsya.
Ang limitasyon ay malalaman sa pamamagitan ng kasunduan sa pagitan ng Local Government Unit (LGU) na tatanggap sa mga LSI at ang technical working group (TWG).
Maiiwasan din nito ang pag-apaw ng mga LSI na walk-in.
Dahil dito, ipatutupad ng TWG ang “first come, first served” basis para sa mga rehistradong LSI.
Ang mga kaanak o kaibigan ng mga LSI sa kanilang mga siyudad o lalawigan ay maaaring tulungan ang mga ito na maiparehistro sa lokal na pamahalaan.