Podiums, medals sa Tokyo 2020, gawa sa recycled materials

Ipinahayag ng International Olympic Committee (IOC) na magiging gawa sa plastic ang mga gagamiting podium sa Tokyo Summer Olympics 2020.

Simula June 19 ay magpapakalat ng 2,000 collection boxes sa mga local supermarket na paglalagyan ng mga residente ng mga itatapon na nilang plastic items.

Target ng IOC na makakolekta ng 45 tonelado ng plastic na kakailanganin para makagawa ng 100 podiums.


Ito ang unang beses na tatayo ang mga waging atleta sa Olympic podium na gawa sa recycled materials.

Bukod sa podium, gawa rin sa recycled materials gaya ng mga metal mula sa lumang electronic device at mobile phone ang mga medalya para sa Olympic Games.

Layon ng hakbang na ito na tinawag na “Everybody’s Podium Project” na bawasan ang single-use plastic at makabawi sa magiging environmental impact ng Tokyo Games.

Facebook Comments