Nananatiling nangunguna sina re-electionist Cynthia Villar at Grace Poe sa botohan sa pagka-senador.
Ito ay matapos maibalik at maisa-ayos ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu kung saan hindi nakakatanggap ang media organizations at poll watchdogs ng resulta mula sa transparency server.
Base sa partial at unofficial results na may 92.89% na election returns na inilabas kaninang ala-5:20 ng umaga.
- Villar, Cynthia (NP) 24,139,134
- Poe, Grace (IND) 21,122,345
- Go, Bong Go (PDPLBN) 19,535,952
- Cayetano, Pia (NP) 18,877,343
- Dela Rosa, Bato (PDPLBN) 17,964,775
- Angara, Edgardo Sonny (LDP) 17,365,309
- Lapid, Lito (NPC) 16,215,644
- Marcos, Imee (NP) 15,159,699
- Tolentino, Francis (PDPLBN) 14,728,081
- Pimentel, Koko (PDPLBN) 13,943,067
- Binay, Nancy (UNA) 13,925,364
- Bong Revilla, Ramon Jr. (LAKAS) 13,909,105
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang unofficial count ay naantala matapos magkaroon ng aberya ang application na responsible sa paglalabas ng resulta mula sa transparency server patungong third-party organizations.
Ang Comelec en banc ay inaprubahan ang resolusyon na silipin ang error logs ng server at inayos ang isyu.
Ang election returns ay nililikha ng vote-counting machines (VCM), na itina-transmit patungo sa main Comelec server para sa official count at sa transparency server para bigyan ang third-parties ng unofficial count.
Nilinaw ng poll body na walang indikasyon na may external entity na nakakaapekto sa transparency server.