Maglalabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng Overseas Employment Certificate (OECs) sa mga healthcare workers na mayroong “perfected” employment contract bago o sa mismong araw ng March 8.
Ito ay kasunod ng pagbibigay ng ‘go signal’ ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ipinatupad na nila ang guidelines sa pagbabalik ng normal operations sa kanilang frontline services kabilang ang pagpoproseso ng OEC para sa mga health workers.
Pero paglilinaw ni Olalia na mananatili pa rin ang IATF Resolution hinggil sa temporary suspension ng deployment ng mga health workers.
Nitong Abril, pansamantalang sinuspinde ng POEA ang pagpapadala ng Pilipinong healthcare workers abroad para mapalakas ang medical workforce sa Pilipinas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pero nilinaw ng IATF na ang mga health workers na may kontrata mula nitong March 8 ay papayagang umalis ng bansa.