POEA, nag-umpisa nang tumanggap ng aplikasyon para sa foreign workers na gustong kuhanin ang serbisyo ng Filipino nurses

Kasunod nang lifting ng deployment ban sa medical health workers na gustong magtrabaho abroad.

Sinabi ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Usec. Bernard Olalia sa Laging Handa public press briefing na nagsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon ng foreign workers na gustong kuhanin ang serbisyo ng Filipino nurses.

Maliban dito, tumatanggap na rin ang POEA ng karagdagang job orders ng mga accredited foreign employers.


Paliwanag ni Olalia, inihinto kasi ang mga nabanggit na proseso noong ipinatupad ang deployment ban sa medical health workers nuong kasagsagan ng pandemya.

Sa ngayon, inaayos na nila ang proseso para sa direct hiring, agency hiring at government to government hiring ng health workers.

5,000 medical health workers ang inisyal na papayagang makaalis ng bansa upang makapagtrabaho abroad.

Facebook Comments