POEA, nagbabala sa mga nurse na naghahanap ng trabaho sa Germany

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga registered nurse na iwasan ang isang ‘Meine Agentur 24’ na umano’y nagre-recruit ng mga nurse at iba pang healthcare professionals upang magtrabaho sa Germany.

Ayon sa POEA, base sa website at facebook page ng ‘Meine Agentur 24’ may company address ito sa Leipzig Germany pero base sa beripikasyon ng ating Embahada sa Berlin hindi rehistrado o walang foreign employer na ‘Meine Agentur 24’ na nakarehistro sa kanilang database.

Babala pa ng POEA, naniningil ang ‘Meine Agentur 24’ ng €5425 para umano sa pag-aaral ng German language at para sa nursing school training.


Maliban dyan, ang mga aplikante ay kinakailangang kumuha ng kanilang sariling visa at mayroong €5360 sa kanilang bank accounts para sa pananatili ng isang aplikante sa loob ng 20 buwan sa Germany.

Ito umano ay para sa food expenses, accommodation, clothing at transportation.

Payo ng POEA sa lisensyadong recruitment agencies lamang ipaubaya ang kinabukasan o trabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments