POEA, nagbabala sa publiko laban sa travel agencies na ilegal na nagre-recruit ng overseas workers

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga overseas job applicants na iwasan ang travel agencies na ilegal na nagre-recruit ng mga manggagawap para sa overseas employment.

Ito ang inilabas na abiso ng POEA matapos silang makatanggap ng mga ulat na may ilang recruitment agencies ang nag-aalok ng trabaho na may mataas na sahod sa pabrika, sakahan, o hotels at may multi-year visas sa mga bansa katulad ng South Korea at New Zealand.

Ayon sa PDEA, ang mga travel agencies ay Sam Stay Tours na hindi isang accredited travel agency ng Embassy of the Republic of Korea, MGR Travel, Ailar Travel Agency, Agencia de Marisian at iba pang kaparehas na travel agencies.


“As part of their modus, these travel agencies present dubious certificates of registration from the Department of Trade and Industry, which even if valid is not licensed by the POEA to engage in recruitment activities,” sabi ng POEA.

Nilinaw din ng Philippine Overseas Labor Office sa New Zealand at South Korea na hindi sila nag-a-accredit ng anumang Philippine-based travel agency para mag-recruit ng OFWs.

Hinimok ng POEA ang publiko na balewalain ang mga unsolicited job offers mula sa mga travel agencies, consultancy firms at training centers at isumbong ang mga ito sa POEA Operations Surveillance Division

Facebook Comments