Nagsagawa na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng pilot testing ng online jobs fair system para mailapit sa mga Pilipino ang job opportunities sa ibang bansa.
Ayon sa POEA, layunin ng virtual job fair na mapalawak ang overseas employment facilitation efforts sa panahon ng travel restrictions at community quarantine.
Ang pilot testing ng POEA virtual jobs fair ay nakatakdang gawin sa ikalawang linggo ng Disyembre na pangangasiwaan at babantayan ng POEA at regional offices ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO).
Para makasali ang mga lisensyadong recruitment agencies o private organizers ay kailangang magkaroon ng Job Fair Authority (JFA) bago makasali sa virtual jobs fair para sa proper verification at documentation.
Kailangan nilang mag-log in sa “POEA Job Fair” na matatagpuan sa website ng ahensya sa aktwal na petsa ng job fair at i-enroll ang kanilang available job vacancies.
Maaaring sumali ang mga naghahanap ng trabaho sa online jobs fair sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa ilalim ng e-Registration system.