Masusing pag-aaralan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang posibleng pagpapatupad ng temporary suspensyon ng pagpapadala ng Filipino healthcare workers sa gitna ng banta ng bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, mahigpit nilang binabantayan ang mga development na may kinalaman sa bagong COVID-19 variant.
Gagawa sila ng mga kaukulang rekomendasyon sa mga ahensya hinggil sa deployment ng mga healthcare workers.
Hihingi rin sila ng opinyon sa mga dalubhasa at magsasagawa ng malawakang konsultasyon sa mga apektadong sektor.
Nitong Nobyembre, binawi ng Pilipinas ang deployment ban sa Filipino healthcare workers kung saan pinapayagan ang mga nurses at iba pang medical workers na umalis at magtrabaho abroad.
Pero, may ipinatutupad na 5,000 cap sa health workers, kaya pinag-aaralan ng POEA ang posibilidad na palawakin ang listahan ng healthcare workers na exempted sa deployment ban.