POEA, pinapayagan ang walk-in processing para sa mayroong urgent requirements

Magpapatupad ang Philippine Overseas Employment Administration ng walk-in filing at processing ng Overseas Employment Certificates (OEC) at iba pang mahahalagang dokumento.

Layunin nitong mas makapag-deploy na ng karagdagang Overseas Filipinos Workers (OFWs).

Ayon kay POEA Deputy Administrator Villamor Ventura Plan, isasagawa ang pilot testing ngayong araw hanggang Biyernes mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga.


Sinabi ni Plan, ang mga authorized representatives ng recruitment agencies ang papayagang maghain ng processing sa Land-Based Center (LBC) kahit walang prior appointment.

Dagdag pa niya, ang requirements para sa OECs ng OFWs na aalis ngayong buwan at urgent application para sa bago o renewal ng accreditation, maging ang job orders ay tatanggapin.

Mahigpit na ipapatupad ang health protocols sa loob ng tanggapan ng POEA.

Facebook Comments