POEA, planong magsagawa ng 2nd online job fair sa Pebrero

97

Plano ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng panibagong online job fair sa Pebrero.

Ito ay matapos maging matagumpay ang unang online job fair noong nakaraang buwan.


Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, layunin ng online job fair na maiwasan ang online scams at mapigilan ang illegal recruitment.

Bukod dito, layunin din nitong magbigay ng oportunidad sa migrant workers.

Ang POEA ay nakipag-ugnayan na sa 10 local recruitment agencies para sa isasagawang online job fair.

Pinayuhan ng POEA ang publiko na hintayin ang anunsyo hinggil sa eksaktong petsa ng online job fair.




Facebook Comments